sa isang di inaasahang pagkakataon, muli ko siyang nakita noong nakaraang sabado
kinilig ako...
ang labo...matapos ang ilang taon, kinikilig pa rin ako kapag nakikita ko siya
isa akong "anti-social" na bata noong nasa mababang paaralan ako. palaging nasa library, nagbabasa ng "the adventures of tintin" at "guinness book of world records". kontento na ako sa ganung estado hanggang sa nakilala ko siya
nabibilang siya sa mga matatawag kong elitista sa aming paaralan, kasapi sa ibat-ibang samahan, paborito ng mga guro at madre, palakaibigan... she was SOMEONE, i was a NO ONE.
dahil sa taglay niyang karisma, naging interesado ako sa kanya. sinubukan kong makipagkaibigan. gaya ng inaasahan, di niya ako tinggihan, she was just being nice.
simula noon, araw-araw ko siyang inaasar. wala naman kasi akong masasabi o maikwekwento sa kanya. yun lang ang aking tanging paraan para makausap siya. subalit dala na rin siguro ng mga pang-aasar ko, bigla na lang siyang umiyak. natakot ako. humingi ako ng paumanhin. baka di na niya ako kausapin. tinigilan ko ang aking mga pang-aasar. di muna kami nag-usap. subalit sa mga araw na di kami nagpansinan doon ko napagtanto..hinahanap ko na siya..may gusto na ako sa kanya...
madalas akong tumambay sa isang gusali kung saan tanaw ko siya habang kumakain ng kanyang tanghalian. nakatayo ako doon araw-araw sa loob ng kalahating oras. sa mga sandaling yaon, masaya ako. kuntento
pagtungtong ko sa mataas na paaralan, nangako ako sa aking sarili
I'LL ALSO BE A SOMEONE!!!
AND THEN...LILIGAWAN KO SIYA
sinalihan ko ang mga samahang kinabibilangan niya
drum and lyre band
dahil malaki akong tao, bass drum ang napatapat sa akin. medyo nakakahiya pero lyrist siya. bahala na. nov 22. kaarawan ko. kailangan naming tumugtog para sa parada ng mga atleta kahit malakas ang ulan. binati niya ako, matapos ang mahabang panahon, muli kaming nag-usap..sa ulan...
peer counselor
di talaga ako kasapi sa samahang ito subalit karamihan sa mga kaibigan ko ay miyembro nito kaya kahit sumasama ako sa mga pagpupulong nila, hindi halata na saling pusa lang ako. nagtaka na lamang ang aming guidance couselor kung bakit wala akong application form noong nag-aayos sila ng files. napagalitan ako subalit ayos lang. nakasama ko siya sa ilang overnight camp dahil sa samahang ito
student council
takot akong humarap sa tao subalit sa di inaasahang pagkakataon, napasama ako sa samahan ng mga istudyanteng lider. ayos na rin. isa siya sa mga opisyal ng samahan. mas lalo kaming naging malapit sa isat-isa. pinagbuti ko ang aking trabaho upang mapansin niya ako. unti-unti ng nababago ang aking pagkatao...
school newspaper
sa lahat ng gawaing pangpaaralan, pagsusulat ang pinakaayaw ko. di kasi ako magaling magsulat. subalit kailangan kong sumali...siya ang patnugot sa filipino. sinubukan ko ang photojournalism. kahit na kodak kb10 lang ang kamera ko, pinagbutihan ko upang muli ay lalo niya akong mapansin, malayo din ang narating ko. nanalo ako sa ilang patimpalak sa photojournalism...lahat ng ito...para mapansin niya...
teatro
isa lang ang nasa isip ko noong sumali ako sa teatro.
SANA MAKUHA KO ANG PANGUNAHING KARAKTER SA PALABAS AT SIYA ANG AKING MAGING KAPAREHA
marahil ay nadinig ang aking dasal dahil napunta nga sa akin ang papel ng lalaking pangunahing karakter at sa kanya ang papel bilang aking kapareha. ito na sana ang pinakamasayang araw ng buhay ko dahil bukod sa natupad ang aking hiling, kasama sa produksyon ang pag-awit ng kantang simulat-sumula pa ay inihandog ko na sa kanya (ON MY OWN). yun na ang pagkakataon na maawit ko ito sa kanya ng ng harap-harapan. subalit yun din ang dahilan kung bakit kailangang ibigay sa iba ang kanyang papel na gagampanan...di siya gaano magaling kumanta...
nanalo siya bilang pangulo ng aming student council, sa sumunod na taon, ako naman ang naging pangulo. sa mga panahong iyon, nasabi ko sa sarili ko na:
NOW, I AM SOMEONE
malaki na ang pinagbago ko. napagtanto ko na madami pala akong kayang gawin, mga talentong di ko alam na meron pala ako...lahat yun ay dahil sa kanya...
subalit gragraduate sa siya...
isang araw. nilapitan niya ako. may aaminin daw siya...sabi niya:
ALAM KO MALI ITO PERO NAIINIS AKO SAYO, PAKIRAMDAM KO KASI, KINUKUMPITENSIYA MO AKO SA LAHAT NG GINAGAWA KO KAYA SANA PATAWARIN MO AKO...
natahimik ako...
HINDI YUN GANUN...HINDI KITA KINUKUMPITENSIYA...GINAWA KO LAHAT NG IYON UPANG MAPANSIN MO AKO...UPANG MAHALIN MO DIN AKO...
yellow comforter sets
2 years ago
No comments:
Post a Comment