kapag ayaw maraming dahilan"
hindi ko alam kung ilang beses ko na itong nasabi o naisulat sa blog. sobrang applicable kasi sa lahat ng sitwasyon nitong quote na ito. kahit yung paborito kong anime na ONE PIECE, ito ang tema
"If I were to die pursuing my dream...then that's that. atleast i tried"
-Luffy
minsan, ito ang ginagawa kong sukatan para malaman ko kung gaano ba talaga kagusto ng isang tao ang ginagawa niya. halimbawa, kung ako, hindi ko magawang umabsent sa isang subject, kahit na 7 pa ito ng umaga, kahit na sobrang hirap akong gumising at maligo, then masasabi ko na interesado talaga ako sa subject na yun. pero kung halimbawa, may nagyaya sa akin na umatend ng ganitong event, kahit na may oras naman ako, minsan nagdadahilan ako dahil hindi naman talaga ako ganun kainteresado.
noong nasa theater pa ako, palagi ko din ito naririnig sa direktor namin. ung iba kasing cast palaging late o kaya naman hindi talaga umaatend ng rehersals namin. in the end, tinatanggal sila sa production...ang dami kasi nilang dahilan...
"if you are pre-occupied with something else and you cant give your 100% for this production, then we are better off without you. no one here is indispensable..." -sir kit
minsan naiisip ko, ung mga taong nagdadahilan na "eh kasi wala talaga akong oras", "eh kasi busy talaga ako","eh kasi wala talaga akong maisip na paraan" "eh kasi..." ay mga taong ayaw lang talaga, hindi ko sinasabi na hindi talaga sila busy o wala talaga sila maisip but life is not a yes or no question. hindi lang dalawa ang choice natin. malaki ang gray area. you can achieve 1 end by using a thousand means. its really a matter of priority...kung alin ba talaga ang mas gusto mo...at dahil nagdahilan ka...hindi yun ang pinakagusto mo at that moment...
a friend from high school once told me na mali daw ung song na "i did my best, but i guess my best wasn't good enough" kasi doing your best means not giving up...and at some level, naniniwala ako dito...sumuko ka, nagdahilan ka, talo ka, hindi mo yun ganun kagusto...wag ka na magdahilan hahahaha!!! c;
ikaw? gaano mo kagusto ang ginagawa mo?
No comments:
Post a Comment