-dan dorado
intropalagi ko ginagamit ang katagang ito noong high school...kapag may humihingi ng payo sa akin. bilang isang ulirang peer counselor, kailangan naming pakinggan ang mga problema ng mga kapwa namin estudyante. hindi kasi lahat ng estudyante ay pumupunta sa guidance office. kapag di namin kaya ung problema na ibinahagi sa amin, then saka namin sila irerefer sa guidance counselor ng school
what is right...
ano ba ang tama?
normally, ito ung mga socially accepted na "tama"
bawal magnakaw, pumatay, magsinungaling etc. (parang ten commandments lang ah hahaha!!!) pero minsan gray area din kung ano ang tama di ba?
a utilitarian would say na as long as walang nagiging worse off (including yourself) sa actions mo or magbebenefit ang mas nakakarami, then you are not doing anything bad. may point! pero minsan kasi...hindi tayo masaya kapag ginawa natin ung tama...kasi minsan, may kailangan tayong isacrifice "for the benefit of other people". worse off ka, better off sila *plural noted* then tama ung gagawin/ginagawa mo...
so masaya ka ba?
fulfilled oo...pero masaya? minsan hindi...someone argued me before na since ginawa mo ung tama, magiging masaya ka din in the long run...ewan ko...di pa rin ako convince...
napakalimiting kasi kapag may kailangan kang sundin di ba? bawal ito..bawal ganyan..dapat ganito etc...KASI UN UNG TAMA!!!
what you like...
dito ako masaya...ayoko lang ng may regret...walang pakialaman...nagpapakatotoo lang
familliar lines?well...ito ang hirit ng mga taong ginagawa kung ano ang gusto nila. tama naman! as long as wala silang nasasagasaan or naaapakan then wala din silang ginagawang mali...pero to what extent can you do what you like?
minsan kasi nagiging insensitive ang ibang tao kapag ginagawa na nila ung gusto nila...insensitive to the point na meron na palang ibang taong naaapektuhan...
then meron pang mga hihirit ng "ito kasi ang gusto ko...ito ang nararamdaman ko...sana maintindihan ninyo..."
may point! pero paano nga kapag naaapektuhan na ang ibang tao dahil patuloy mong ginagawa ang gusto mo? will you be insensitive? will you be persistent? at what expense?
ako?
im more of the "doing what i like" type. i am guilty of using those lines i mentioned above. aminado ako na minsan mali ung mga ginagawa ko for the sake na masunod ung gusto ko...but i take responsibility!
i am fully aware sa mga ginagawa ko! if ginawa ko ung tama, alam kong hindi ko magiging regret un in the future...if ginawa ko ung gusto ko, alam kong i can take full responsibility of the consequences...
ikaw? alin ung pipiliin mo?
No comments:
Post a Comment