Monday, December 22, 2008

a post out of the blue



India

Lima Oscar Victor Echo

Yankee Oscar Uniform

Charlie Echo Romeo Yankee

Juliet Echo Alpha November

Quebec Uniform India Alpha Mike Bravo Alpha Oscar

Victor Echo Romeo Yankee

Mike Uniform Charlie Hotel

India

Charlie Alpha November November Oscar Tango

India Mike Alpha Golf India November Echo

Mike Yankee

Lima India Foxtrot Echo

Whiskey India Tango Hotel Oscar Uniform Tango

Yankee Oscar Uniform STOP STOP STOP

Sunday, December 21, 2008

make me a servant



Make me a servant - Inspirational Song

i was really inspired by my HS classmates blog. i used to cry every time i sang this song. it is really humbling for me hope it will also inspire you specially this coming Christmas

Make me a servant,
Humble and meek.
Lord, let me lift up
Those who are weak;
And may the pray'r
Of my heart always be.
Make me a servant.
Make me a servant.
Make me a servant today.

Sunday, December 14, 2008

usapang tae

habang tumatao ako sa tindahan namin at naghihintay ng mamimili, hndi ko maiwasang marining ang dalawang estudyante na nag-uusap tungkol sa tae. hindi ko alam kung bakit ito ang pinag-uusapan nila pero nakakatawa dahil pinagdedebatihan nila ang mga uri ng tae. (lol)

medyo luma na ang post na ito pero para sa mga hindi pa nakakaalam, ito ang mga uri ng tae at utot. enjoy! :)

MGA URI NG TAE

1. Normal
- ung simple lang. brown. buo. di masyado mabantot. generic tae. usually 2-3 lang ang lumalabas na ganito. pag isa lang, sayang ung oras ng pagtae mo. ipunin mo muna bago mo ilabas. pag lumampas ng 3. matakaw ka.

2. Nana
- ung may green. kadiri to. kaya di ko na masyado dedescribe.
usually may sakit ka pag meron ka neto.

3. Burutot
- basag. tubig. minsan one shot lang to. pag upo mo. broooooot. hugas. flush. tayo. tapos.

4. Tubol
- malaking malaking tae na buo. parang buong kamote ba.

5. Tubols
- hindi plural ng tubol. eto ung parang tae ng kambing. hindi yata talaga tubols tawag e. kalimutan ko na.

6. Footlong
- di na kelangan idescribe. basta nagttwirl na sa kubeta. footlong na yun. hirap gawin to. kase napuputol talaga minsan.

7. Tibis
- tae ng tao na may consistency na katulad ng ipot ng manok.

8. McArthur
- ang mcarthur ay ung taeng napakahirap iflush. "i shall return." ika ni mcarthur. gets?

9. Bugret
- ito yung taeng may carot bits at bell pepper pa, at paminsan ay sangkatutak na buong mais. dilaw na dilaw pa.

10. Burnik
- taeng sumabit sa buhok sa pwet. Madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin,lalo na kapag natuyo na ito, ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.

11. Mekikekkwek
-tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.

12. Hudini
- taeng biglang nawawala,wala ka ng ifflush.

13. Yamas
- taeng na sa panty at brief dulot ng UST

14. UST
- utot sabay tae

----

wag kalilimutan maghugas after ha? remember na hindi enough ang tissue. :p

-=-=-=APAT NA URI NG UTOT:-=-=--


1)MAPAGKUNWARI
=uutot ng tahimik at pagkatapos
e aastang inosente, mgbibintang pa!


2)MAHIYAIN
=uutot ng mahina tapos
ngingiti.


3)MAYABANG
=uutot ng malakas, tapos
parang baLewaLa sa kanya na
naring ng lahat ang utot nya!


4)MALAS
=susubukang umutot pero
tae ang Lalabas.


hmmmmm sarap kumain! :)

Saturday, December 13, 2008

kaligayahan (from the homily of father J-Boy)

si father J-Boy ang isa sa mga paborito kong pari dahil magaling siyang maghomily. kahit ang mga kaibigan ko na hindi practicing catholics ay napapasimba ko kapag siya ang nagmimisa. musically inclined din siya, gimikero, at magaling makisama sa mga kabataan.

sa panahon kung saan madaming problemang inaalala ang mga tao, napapanahon ang homily niyang ito. nawa ay makita natin ang kaligayahang nakakalat sa ating paligid :)

Maraming nag-aakala ang pananampalatayang Kristiyano naka-batay sa pagdurusa at pagpapakasakit. Ngunit pinapaalala sa atin sa araw na ito na ang pinakarurok ng ating pananampalataya ay ang saya. Kaya sinisindihan natin ang kandilang rosas bilang sagisag ng saya: sa Adbiento, siguradong darating ang ating hinihintay. Ganito ang pakiramdam: naghihintay ka sa isang kapamilyang uuwi sa Pasko. Idinidiin ni Maria sa Salmo at ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Thesalonia ang halaga ng kasiyahan na nangagaling sa pagpapasalamat sa Diyos.

Unang-una, ang kasiyahang ito ay hindi nakasalaylay sa anumang bagay dito sa mundo, dahil maaari tayong maging masaya kahit saan mang dako. Sa halip, ito ay nakabatay sa presensya ng Diyos sa ating buhay. Madali itong maunawaan ng mga taong umiibig. Masayang magkasama ang magkasintahan. Basta’t magkasabay, hindi napapawi ang kaligayahan: kahit saan man sila --- sa gitna man ng masangsang na palengke o sa isang romantikong kapihan --- o sa anumang sitwasyon sa kanilang buhay.

Pangalawa, ang kasiyang ito ay nangagaling sa pagpapasalamat. Umaapaw sa utang-na-loob ang propeta sa unang pagbasa dahil sa mga biyayang natanggap nito. Umaapaw sa pagpapasalamat si Maria dahil dahil naalala ng Panginoon ang mga may maliliit sa lipunan tulad niya. PInaalala ni San Pablo na magpasalamat tayo sa Diyos sa lahat ng panahon.

Malimit nakikita natin ang pagkukulang. Maaring pagkukulang natin o ng ibang tao. Mas madali natin matandaan ang mga bagay na wala tayo, kaysa sa meron. Ang mga taong negatibo --- tulad ng mga masusungit at mapanghusga --- ay mga taong di makita ang mabuti sa kanila at sa kapwa. Kailangan natin ipunin ang mga magagandang bagay na meron tayo upang maging tulad nina Maria na labis-labis ang pagpapasalamat sa Diyos. Nakakamangha na ang mga taong alam ang biyaya sa kanila, nakakadiskubre pa nang mas marami. Ang pusong tumatanaw ng utang na loob sa Diyos ay may kakaibang gaan sa kalooban. At nakikita ito sa kanilang pananaw sa buhay at sa pakikitungo sa kapwa.

Pangatlo, ang kasiyahang ito ang mismong mensahe ni Juan sa Ebanghelio. Masaya ang taong madaling magbalik-loob at magpatawad. Wala itong kinikimkim na bigat sa kalooban. Masaya ang magmahal. Masaya ang maglingkod sa kapwa. Kaya kasama ng saya na ito ang kapayapaan: magaan ang loob ng mapagbigay kaysa sa sakim.

Panghuli, sabi ni San Pablo, natatagpuan sa pagdarasal ang kasiyahang ito. Dahil nakakasama natin ang bukal ng tunay na kaligayahan. Nararanasan natin ang uri at lalim ng pagmamahal ng Diyos sa atin: maging sino man tayo, hindi nagbabago ang kanyang pagkalinga.

May joke ako. Sabi ng asawa, “Naglagay ng mudpack ang asawa ko. At lalo siyang gumanda... hanggang natanggal ito!” Mudpack o wala, mahal tayo ng Diyos. Di ba ito ang pinakamasayang karanasan? Hindi natin kailangang magkunwari, dahil tanggap tayo? Maraming talinghaga ang ginamit ni Hesus para ipaliwanag ang Kaharian ng Diyos. Isa nito ang salu-salo sa kasalan. Ang Kaharian ng Diyos daw ay tulad ng isang handaan. Lahat ng nasa pagdiriwang ay masayang nakikihalubilo sa mga dumalo at sa presenya ng Mayhanda.

Sunday, December 7, 2008

i am not perfect!



nobody is perfect...this is a very famous cliche...well let me add something...nobody is close from perfect




being perfect is being God, being close to perfect is being close to becoming a God...so in my opinion, both do not exist in this world.




as a child, i was a loser...i was an anti-social. i have this imaginary friends that keep me company whenever i feel sad. i insist that they take me to their world since i do not belong here. there was even a time that i curse God because i feel like that world is against me...wala naman kasi talaga akong matatawag noon na kaibigan, both my parents are always busy, my brother thinks of me as a competition, im not good looking, i suck at sports because i am fat...i was a loser




during my teenage years, i was a wannabe! sa class namin, i was unpopular most of the times. ano nga lang ba alam ko? i was good at nothing...always an underachiever...




i have this friend, i'll call him pedro parkero (kung mababasa ito ng mga HS classmate ko, give-away itong nickname niya), i was always behind his shadows. siya ang idol ko noon. matalino, kilala ng lahat ng teacher, gwapo, crush ng buong campus, madaming kaibigan, siya ang pinaka-cool sa amin...at ako? ako ang dakila niyang sidekick...kung asan siya, andun ako, para akong buntot ng aso...




ngayong nasa college na ako, not much has changed, got dismissed from my college, cant get to the course that i really like, graduating with no honors blah blah blah... maybe the only difference now is that im so used to being a loser, manhid na ako...




I AM NOT PERFECT...so please...dont take it against me...i feel empty right now...

Monday, December 1, 2008

some facts about UP Diliman Students

So you think you know the true Isko and Iska? Ha! Think again. These findings will surely bust commonly held notions and stereotypes on UP Diliman students.

A glimpse of our research findings:

Grade Conscious.
Most UP Diliman students work hard for incentive grades.

Loner no more.
76.5% of UP Diliman students are organization members. 51.5% of them belong to more than one org.


Party harder.

70.8% of UP Diliman students have gone clubbing.



On the go!
More UP Diliman students own laptops (53.1%) than desktop computers (41.1%)
.


Readings galore!
Photocopying books is more popular than owning original copies
.

My Ride.
25.1% of UP Diliman students drive their own cars.


Non-Smoking Campus.
65.1% of UP Diliman students have never smoked and do not plan on smoking while still in UP.



Academic Integrity.
UP Diliman students find cheating and plagiarism unjustifiable.

Just say NO.
84.8% of UP Diliman students have never had sex while in UP. 92.4% have never taken prohibited drugs.



Sexy time!
10.6% of UP Diliman students have had sex while in campus and they are willing to do it again while in UP.



Intrigued? Know the numbers. Go beyond the statistics.


Watch KaleidoISKOpe: Silip sa Bagong Iskolar ng Bayan


CMC Auditorium, Dec. 4, 1 - 4 PM.



Admission is free! See you there! =)