Wednesday, July 22, 2009

this poem has been the story of my former life, wala pong malalim na dahilan kung bakit ko ito pinose, natripan ko lang, sana makarelate kayo sa tulang ito. enjoy :)




BITUIN

Paano kung maging bituin ako?
Mas masaya kaya ang mabuhay?
Siguro, titingalain mo ako at hahanapin sa kawalan
Magagalit ka sa mga ulap
Patuloy akong magtatago
At patuloy kang maghahanap

Sa pagbilang mo’y dadalawin ka ng antok
Sa panaginip mo, naroon din ako
Maghahabulan tayo
Ngunit di mo ako maaabot
Mapapagod ka at mauupo
Sa lugar na kitang kita ang aking liwanag

Pupurihin mo ang aking liwanag
At kasama ng iyong mga gunita
Aawitin mo ang gusto kong kanta
Hihintayin nating dalawa ang gabi
At sisisihin natin ang pagsikat ng araw
Dahil maghihiwalay na tayo at babalik ka na sa kanya

Pikit mata akong manonood
Nangangarap na sa habang buhay
Ay wala ng umaga…

Ngunit hindi nga ako bituin
Hindi nga ako ang iyong tinitingala
Hindi mo ako hinahanap
Tulad ng paghabol mo sa kanya
Hindi mo binibilang ang isang libo at isang daang dahilan
Kung bakit Masaya tayo kapag magkasama
Wala ako sa panaginip mo
At kahit kalian ay hindi mo napansin ang aking liwanag
Hindi sa akin ang papuri mo at hindi rin sa akin ang mga awit na’yon
Sa kanya lahat…

Siya ang araw na naghihiwalay
Sinusunog niya ang aking kaluluwang nagtatago sa dilim
Pinapaso niya ako at wala akong magawa para sa aking sarili
Naghihintay lang ako sa iilang malalayang gabi

Hanggang kailan kakainin ng liwanag ang katauhan mo
Kayang-kaya kitang iligtas
Ngunit alam kong di ka sasama…
Binubulag ka ng mga bagay
Na hindi mo naman nakikita
At nabibingi ka sa paulit-ulit na pagbulong ng hanging galing sa kanya

Wala ka nang itinira para sa sarili mo
At wala ng paraan upang makabawi
Walang ikaw…walang ako…walang tayo…
Dahil napuno na ang mundo mo
Ng puro “siya” at “siya lang”

Muntik ko nang hilingin na “siya” ay “ako”
Ngunit sa tuwing makikita kita
Natatakot akong kainin ka muli ng liwanag
At hindi ka na makakabalik…
At maiiwan akong nag-iisa sa kawalan

Kayang kong baguhin ang lahat ng ito
Ngunit hindi ko gagawin dahil ayaw mo
Nabubhay tayong dalawa sa alaala ng gabing iyon
At hindi ito matatapos hangga’t nabubulag ka’t nabibingi…

Hindi ako magigng Masaya
Habang patuloy ang pagsikat ng araw
Na naghihiwalay sa atin…
Ngunit sa pagkakataong ito
Inaamin kong ikaw ang may hawak sa akin
At wala akong magagawa
Kundi patuloy na managinip…
Na sana’y maging bituwin nga ako
Na kahit pinaghihiwalay tayo ng liwanag
Darating pa rin ang gabi
At muli tayong maghahabulan…
Na kahit hindi ako Masaya,
Nakakasama kita hanggang magbukang liwayway
Na kahit paulit-ulit kang bumalik sa kanya’y nag-iiwan ka ng alaala sa akin…
Na kahit pinipili mong mapaso ng araw
Alam kong ‘yon ang kagustuhan mo…

Patuloy akong mananaginip…
Ako pa rin ang bituin sa kawalan
Na nahuhulog para sayo…
Alam ko man gang hiling mo’y unti-unti akong pinapatay…
Hinihiling mong sana’y…SUMIKAT MULI ANG ARAW…

No comments: